Musings.

Hindi naman ako attracted sa iyo nung una kitang makilala. Pero nalaman ko na madami tayong pagkakapareho. Mga jokes na tinatawan ko, nakakaaliw para sa iyo. Mga kagaguhan ko, pinapatulan mo. Mga kalokohan mo, swak na swak sa panlasa ko.

Minsan naiisip ko, di kaya ikaw na yung inaasam kong sabihan ng…

“Mahal kita.”

Hindi mo pa ba napapansin na gustong gusto kita? Hindi mo ba naisip na hindi kita pag-aaksayahan ng panahon kung wala kang lugar sa puso ko? Hindi mo ba ramdam na trip na trip kitang i-kiss sabay hug kapag nagkikita tayo?

Minsan napapaisip ako, slow ka lang ba talaga? O sadyang di mo ma-gets yung sinasabi ko na…

“Mahal kita.”

Sa tuwing nalulungkot ka, at kinukwento mo sa akin ang dahilan, tapik lang sa balikat mo ang nagagawa ko. Sa tuwing itetext kita ng ‘Good Morning’ at ‘Good Night’, smiley lang ang naidudugtong ko. Sa tuwing bababa ka sa saksakyan kapag magkasabay tayo pauwi, kaway lang sa iyo ang naipapabaon ko.

Minsan iniisip ko, bitin kasi yung tapik, smiley at kaway. Sana madugtungan ko ng mga salitang…

“Mahal kita.”

Tuwing nagkakaroon ako ng pagkakataon, napuputol yata ang dila ko. Tuwing nandyan na yung tamang timing, dinadaga naman ang dibdib ko. Tuwing may chance na nagpiprisinta, natotorpe naman ako!

Kaya sa akin na lang muna ang mga katagang “Mahal kita.

6 Comments

  1. ershjin

    Torpe ka lang kasi..hehehe Just move to the next step of the procedure.. Think positive.. wala naman mawawala kong sasabihin mo ang nararamdam mo diba.. basta sa loob mo nasabi mo.. LAKAS LANG NG LOOB YAN.. ganyan kasi ako nung nagtapat ako sa nililigawan ko ng 2 years.. Nilakasan ko ang loob ko para magtapat at para malaman ko na rin ko ano na.. and then sabi nya.. EWAN.. means half meant, hindi

  2. Maurice Gil

    seize the moment. we only live once. let the euphoria take over your whole being for you to say it. but do not expect much. oks? remember, when we fall in love, we also need to accept the reality that hurting is a great part of it… oks?; )im always here.

  3. Anonymous

    i dont think its a product of a creative mind like what u had said…mgsusulat kb ng di mu nraramdaman, well i think its time n u should tell kung cnu man un lucky gurl n yan, malay mu…if ur afraid n i turn down ka at least nsabi how u feel ur nice nman eh!!!! good luckjane frances

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s