Huling Hapunan.

Bee—beeeeep!
Busina ng sasakyan ang pumukaw sa akin. Sabay takip sa aking mga mata dahil sa pagkasilaw sa liwanag. Hindi ko namalayan na malayu-layo na ang nalalakad ko.
Inaalala ko kung paano ka nagpaalam sa akin kanina,  “Aalis na ako.”
Bigla mong pinutol ang tawanan natin habang kumakain tayo sa paborito mong carinderia malapit sa inyo. Hindi kita pinansin dahil kutob ko isa na naman ito sa mga jokes na gagamitin mo para ma-bully ako. Aktong hihigop ako ng mainit na sabaw ng bulalong lagi nating ulam tuwing nagagawi tayo sa inyo, nang sabihin mo:
Next week na, Friday. Na-approve na yung visa ko kanina lang, tinawagan ako.
Nalunok ko nang hindi hinihipan ang mainit na sabaw dahil sa sinabi mo. Hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam kung dahil napaso ako at namanhid o dahil nagulat ako sa tinuran mo.
Nijo-joke mo na naman ako e! Lagi mo akong pinagtitripan!” sabay pakawala ng impit na tawa, saka kita inakbayan.
Hindi ka natinag, pinilit mong ngumiti saka ka tumingin sa mga mata ko:
Mauuna lang naman ako ng ilang buwan, susunod ka di ba?” Batid ko ang panginginig ng boses at mga kalamnan mo.
Oo naman!” pagpapalakas ko sa loob mo.
At pagdating mo dun, wag ka maiinip dahil susunod ako,” sabay pakita ng mga ngipin ko sa iyo, nang-aasar.
Lumipas ang ilang saglit na puro tunog kubyertos, binasag ko na ang katahimikang namamagitan sa atin:
Tara na?” sabay tayo sa kinauupuan ko dahil ubos na natin yung natitirang sabaw ng bulalo. Malayu-layo na rin ang nalalakad ko sa daan pauwi.
Bee—beeeeep!
Busina ng sasakyan ang pumukaw sa akin. Sabay takip sa aking mga mata dahil sa pagkasilaw sa liwanag. Inaalala ko
kung paano ka nagpaalam sa akin kanina.
Maingay na ang paligid, umiikot at lumalabo na ang aking paningin at namamanhid na rin ang buo kong katawan. Tumulo na lang ang mga luha ko, dahil napagtanto kong hindi na ako makakasunod sa iyo pag-alis mo, dahil ngayon pa
lang aalis na ako.

3 Comments

  1. Anonymous

    so sad :(maybe things are not meant to happen and that reality hurts… hay sir Ed, ang dali ko pa naman maapektohan ng ganitong story.._KLAUD_

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s