‘Ingat.’
Yan ang automatic kong sinasabi, sabay tapik sa balikat mo sa tuwing uwian. Ngunit di ka tumango sabay talikod para umakyat sa footbridge patawid sa kalsada pauwi sa inyo. Ngayon ay natigilan ka. Lagi naman kitang sinasabihan nun sa tuwing uuwi at maghihiwalay tayo sa footbridge na ito. Nagulat ako dahil sinasalubong mo ang tingin ko. Bakit nga ba ‘Ingat’?
Kasi magkikita pa tayo bukas, kakain ng sabay, bonding, at uuwi ng sabay.
Sapagkat hindi pa ako nakakabawi sa mga pang-aasar at pangungulit mo sa akin.Dahil mahalaga ka sa akin at natatakot akong mawala ka sa buhay ko.
‘Ingat .’
Mas malakas kong sinabi sa iyo, umiwas ako sa tingin mo. Sabay bumaling ako sa kaliwa para pumara ng sasakyan. Tumango ka na lang, sabay talikod paakyat sa tulay, gaya ng lagi mong ginawa. Sumakay na ako sa humintong FX.
Papalayo na ako, pero pinagmamasdan pa rin ang pagtawid mo dahil hindi ko pa rin alam kung paano sabihin yung mga nasa isip ko.
~~~~~
Nagke-create kasi yun ng doubts, nagdadalawang isip tuloy ako sa mga desisyon ko minsan.