I checked my FB early today, and I got too poetic not to reply to a friend’s wall post:
Parang saranggola ang isang kaibigan:
gaano man siya kalayo, may tali pa ring ‘ugnay’,
hangga’t di mo binibitiwan, di siya mawawala kailanman!
Salamat sa sayang dulot ng ating pagkakaibigan.
Minsan sinusubok tayo ng hangin at tadhana
Taling nag-uugnay sa iyo at sa saranggola
Kaya marapat lamang matibay at di papalya
Gumamit ng lubid na pangmatagalan talaga.
Gaya sa pagkakaibigan, away-bati minsan
Sinusubok talaga ang tatag mo kaibigan
Wag bibigay, maniwalang kailanman
Kaibigang tunay di ka talaga iiwan!
Ako’y natutuwa, hindi man tayo nagkikita
FB ang paraan, tulay para magkasama
Hindi man personal, nalalaman ko sa tuwi-tuwina
ang sagot mo sa tanong ‘Kumusta?, ayos ka ba pa?’
Wow! Ako’y tila napahanga
nabasa ko’y mga salitang tugma-tugma
noong una’y di ako makapaniwala…
Sa sayang dulot puso’y biglang kumawala!
Makata ay mayroon pa pala?
Akala ko’y nawalan na ng halaga..
Kaya naman ngiti ang sayo’y alay
Saludo ako kay Ginoong Calaycay!
Ginoong Policarpio, maraming salamat sa iyo!
Si Marlon ang nagsimula, itinuloy ko lang ito.
Saranggola at Kaibigan, sabi niya ay pareho
Sumagot lang ako, pinagtibay ang argumento.
Napangiti rin ako dahil hindi ko inaasahan
Tulang ginawa, babasahin at pagtityagaan
Sana’y maging isa rin kitang mabuting kaibigan
Na gaya ni Marlon, sa FB nagkakamustahan!
I gained a friend today through this discourse.