Day 56. Positivity.

Ngayong mas nakukuha ko na ang dahilan ng lahat
Sinusubukan lalo ang tatag ko sa pagharap 
sitwasyong di nakatutuwa’y sunod-sunod nagaganap
Sinusukat ang pasensya sa problemang buhat-buhat

Ngunit sa lahat ng nangyayari ngayon sa akin
hindi naman lahat masama sa aking paningin
may mga nakatutuwang eksena at mga bagay pa rin
na marapat ko ring bigyan ng halaga at pansin.  

Mga katrabahong di nang-iiwan sa tuwina, 
Mga kaibigang nagpapalakas-loob ang suporta,
Mga kapamilya, walang sawang pagmamahal nila
Lahat sila’y dapat ipagpasalamat at ikatuwa. 

Natuwa ka pa sa akin, sa una kong tula
Kaya ngayon, nilulubus-lubos ko na talaga
Galing sa pagbuo ng taludtod na tugma-tugma
Nagpapangiti ito sa akin, sana ay mapasaya ka.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s