Pagpupugay at Pasasalamat.

Magandang gabi po, ako sa inyo’y bumabati

Hayaan ninyong ako’y tumula ngayong gabi

Ako’y nag-iisip kung paano ko ito masasabi

Acronym na lang ba? O ibahin ko ng kaunti?


Aking naisipan, bakit nga ba di gawing tula?

Dahil pag-acronym sa tuwina’y ginagawa ko na

Kayo’y makinig sa pasasalamat na sambit

Sa aking team, sa tulang ito na medyo makulit!


TRISTAN

Patok ang pangalan niya sa team activities ng kumpanya
Siya’y tahimik, pero malaman ang laging sasabihin niya.
Nung sa amin dumating ka, lubos lubos ang aming tuwa.

Kung di dahil sa iyo, Test Automation paano na?


Sa localization, hinanapan mo ng solusyon,

Ang Japanese at Chinese, sa Selenium, swabe ang execution!
Unicode ang gamit, script mo nag run na dun!

Saludo kami sa iyo, ang galing mo sa automation!


SEPERS

Siya’y hindi madaldal, palangiti lamang sa tuwina

Under pressure, cool na cool pa rin siya!

Ang targets ang titingnan, maaasahan talaga!

On-call pa nga minsan, kahit linggo papasok siya!


Ngayo’y nagpapagaling, mula sa kanyang operasyon

Pero ang sigurado, pagbalik niya, alam na niya ang misyon

Hindi papadaig sa pressure, aalamin ang direksyon!

Project ay tatapusin on-time, yan ang target namin ngayon!


MARK

Ka-trabahong bagong dating, bago sa paningin,

Sa ating team, ika’y ni-welcome namin!

sa lahat ng projects, wala kang hinaing

“Tosha! Arigato! Merci! Gracias!” aming sasambitin!


Ngayong new project ating nasimulan,

SCRUM ang gamit, ating lahat susubukan!

Bago ka nga, pero sa ami’y walang kaibahan

Kasama ka sa Team, kaya tayo’y magtutulungan!


R-JAY

Lahat ng project ay talaga bang susubukan?!

Namaster mo na lahat, isa na lang!

Ikaw ang bukod tanging hindi na-assign kailanman

sa isang project, ikaw ba ay allergic dyan?


Sa Project Test Design natin, Sprint 0 pa lang naman

Pero pati Sprint 2 yata’y balak mo nang tapusin ng paspasan!

Ikaw, idol, dedication ang tawag dyan!

Sa gym ba, balak mo rin gawin yan?


FRED

“Never say never”, iyan yata ang motto niya!

Hindi bibitaw hangga’t alam niyang kaya pa!

Kung siya’y nag-isip ng solusyon, aba’y kakaiba!

Cool ito, pre, nakashades na, nakahiga pa sa sofa!


Bug na nakita, kahit may limitation pa yan,

minsan nagagawan mo pa ng paraan.

Pero ikaw ay hindi matatawaran!

Update sa project, ipanapaalam , umaga o gabi man!


SID

Sa team namin, siya yung ‘image stylist’ kung ituring

Hindi tao, kundi website ang forte sa reinventing

UI at browser issues, saglit lang yan sa bug fixing

Sa inputs niya, ang say ng client: “magaling magaling!”


Sa Localization project —Japanese at Chinese

Pati na rin pala ang French at Spanish

Maliban sa UI, pati localized text ay panis

Kapag siya ang gumawa, superb ang service!


JM

Kung agile ang usapan, sa requirements yan ay pahirapan

Pero hindi ka bumigay, hindi mo ito tinantanan!

Coffee Bean at Starbucks ang work place kung kinakailangan

Release Notes at Functional Test, maning-mani na para sa iyo kaibigan.


Pwede na, actually, akong um-absent sa tuwina,

Dahil PM tasks, alam kong kayang kaya mo na.

Sa sobrang pro-active, sa ibang RAs tumutulong ka

Dahil ikaw, pang Waterfall at Agile, versatile talaga!


Mga kaibigan, ang aking mga kasamahan,
sa aming Team atin namang handugan

Lahat sila, bigyan ng masigabong palakpakan!

JM, Fred, R-jay, Seps, Mark, Sid at Tristan!


Ako’y natutuwa, pinakinggan ng madla
Ang tulang alay, feel ko tuloy its ‘Linggo ng Wika’

Sa ating kumpanya, Thanks much po talaga
Happy 6th Anniv! Let’s party na to sawa!


==========

ed’s note: The company I am working for celebrated its sixth anniversary. I was tasked to have something for my teammates to mark this celebration. I made this poem for them.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s