Compare and Contrast.

Gaya mo,
unang pakilala pa lang,
hindi ko na maialis ang mga mata ko sa expressive eyes  niya.  


Pero di gaya mo,
hindi pa niya ako napapaiyak,
ni hindi pa napapatawa.

Gaya mo,
kakikitaan din siya
ng magagandang mga ngipin at ngiting nagpapakilig sa akin.


Pero di gaya mo,
ang mga usapan naming dalawa,
sa ngiti nag uumpisa at doon natatapos na rin.
http://20.media.tumblr.com/tumblr_ks0udtSOWR1qa6pm7o1_500.jpg
Gaya mo,
kung magwork siya pukpukan talaga,
“never say never” yata ang motto niya!


Pero di gaya mo,
nauunahan niya akong pumasok,
may matamis na ngiti pa kapag ako’y nasilayan na.

Gaya mo,
yung mga katangian
kung bakit na-fall ako dati, sa kanya ay nakikita ko…


Pero di gaya mo,
ang kwentong “Siya at Ako”
nagsisimula pa lang, malayo pa sa kwentong ‘Ikaw at Ako’




Gaya mo, 
may nabubuong kwento
na araw-araw ay aabangan, pagdadaanan.


 Pero di gaya mo,
ang bagong kwentong ito,
hahayaang Tadhana na ang gumuhit at bumuo.  

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s